KORONADAL CITY – Sinisilip na ng mga otoridad ang iba’t ibang mga anggulo sa pagkahulog ng forward truck lulan ang 34 katao sa bangin sa Brgy. Lamsalome, Tboli, South Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Col. Joel Limson, provincial director ng South Cotabato PNP, kanilang inaalam kung human error o loose brake nga ba ang nangyari sa naturang aksidente.
Samantala, isinalaysay naman ni Jojie Abibiason ang kaniyang karanasan bilang unang rumesponde sa naturang pangyayari.
Kitang-kita umano niya ang pagkahulog ng sasakyan sa bangin na nasa 30 metro ang lalim kung saan sa lakas umano ng impact ay tumilapon ang iba sa mga kawayan habang may mga naipit naman umano sa mga makina.
Tumulong din ang iba pang dumadaan sa lugar na makuha ang mga biktima mula sa wreckage, kung saan kanilang inuna ang pagkuha sa mga bata, lalo na ang 8-months old na sanggol bago dumating ang rescue team.
Tiniyak naman ni PDRRMO operations and warning chief Rolly Doane Aquino ang tulong sa mga nabiktima kung saan nakahanda naman daw ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ganundin ang mga local government units (LGU) na tumulong sa mga pasyente.
Nabatid na batay sa unofficial data ng mga otoridad, 20 ang naitalang patay habang 14 ang sugatan sa malagim na aksidente.
Una nang kinilala ang mga casualties na sina:
- Hershey Pasquin – Libertad, Surallah
- Trishia Afus – Libertad, Surallah, 10
- Regie Ayupan – Libertad, Surallah
- Welyn Jade Babon – Libertad, Surallah
- Jenelyn Gabio – Libertad, Surallah
- Jay-Ar Gabio – Libertad, Surallah
- Wilbert Babon – Libertad, Surallah
- William Babon – Libertad, Surallah
- Leo Pedregosa – Liwayway, Tacurong City
- Lamberto Afus – Libertad, Surallah
- Jeffrey Cainoy – Libertad, Surallah
- Fanny Ayupan – Libertad, Surallah
- Ivy Lamique – Libertad, Surallah
- Randy Ayupan – Libertad, Surallah
- Richard Silvano – Libertad, Surallah
- Roberto Lausing Jr – Poblacion, Bagumbayan, Sultan Kudarat
- Mirasol Afus – Libertad, Surallah
Habang tatlo ang unidentified pa kabilang na ang isang bata na residente ng Brgy Libertad sa bayan ng Surallah sa South Cotabato.