-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 21 12 13 25
Senator Kiko Pangilinan

NAGA CITY- Binigyan diin ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan na hindi isyung kriminal ang iligal na droga sa halip isa itong isyung pangkalusugan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Sen. Kiko Pangilinan, sinabi nitong ang pag-adik sa iligal na droga ng ilang mga Pinoy ay dahil sa emotional, physical at mental na problema.

Ito aniya ang dahilan kung kaya tumataas ang kriminalidad sa bansa dahil sa illegal na droga.

Ayon kay Pangilinan mas kailangan sa ngayon na bigyan ng suportang pangkalusugan ang mga tao o idaan holistic approach.

Mas mabuti rin aniya na sa halip na patayin ang mga mahuhuling sangkot sa illegal drugs, dalhin na lamang sa mga health facilities para matulungan.

Sa ngayon, ang pagtutulungan aniya ang kailangan para tuluyan nang malutas ang matagal ng problema sa illegal na droga ng bansa.