-- Advertisements --

Ilang mga lider sa Europa ang umaapela sa mga world leaders na isama rin sa mga pinag-uusapan ngayon sa climate change summit sa Glasgow, Scotland ang isyu sa nuclear power.

COP26 climate change 1

Layon nito na matalakay kung paano mapapabilis ang zero emission.

Ayon sa mga leader, pagkakaton ngayon sa summit ng mga policymaker kung pipiliin ba ang emission free energy, maraming trabaho at pag-unlad.

Ibig daw sabihin nito, kung tatanungin “mas pipiliin ba ang nuclear power bilang bahagi ng pagbalanse sa energy system?”

Ang isyu sa paggamit sa nuclear power ay mainit ding pinagdedebatehan palagi sa summit dahil ang ilang mga bansa tulad ng Belgium ay nagdesisyon na i-phase out na rin ang paggamit nito.

Pero ang ilang mga bansa tulad ng Germany, Austria at Luxembourg ay tutol naman dito.