-- Advertisements --
Conner apayao

(Update) TUGUEGARAO CITY – “Overloading” isa sa nakikitang dahilan ng PNP sa pagkahulog ng elf truck sa bangin na dahilan ng pagkamatay ng 19 at ikinasugat ng 21 sa Conner, Apayao kagabi.

Sinabi ni Capt. Manuel Canipas Jr. ng PNP Conner, bukod kasi sa 44 na pasahero ng truck ay kargado pa ito ng mga binhi ng palay, mga abono at feeds.

Ayon kay Canipas, biglang namatay ang makina ng elf sa pataas na bahagi ng kalsada sa Brgy. Karikitan hanggang sa dumiretso na ito sa bangin.

Sinabi ni Canipas na nanggaling sa bayan ng Rizal, Cagayan ang mga biktima kung saan kumuha sila ng binhing palay na bigay ng gobyerno.

Nabatid na ang mga taga-Conner na kasama sa elf ay nakisakay lang dahil sa wala na silang masakyan.

Kabilang sa mga namatay ang ang SK chairman ng Allangigan, Conner.

Bago umabot sa poblacion ng Rizal ang mga residente ng Lattut ay kailangan na dumaan kasi Conner, Apayao at Tuao, Cagayan bago makarating sa poblacion ng Rizal.