Sinimulan na ng PNP ang pang-iimbestiga sa umano’y alegasyon na pang-eespiya ng Chinese telecom company Huawei sa pamamagitan ng kanilang telecommunications equipment.
Ayon Kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, patuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon, pero sa ngayon ay wala pang validated information na hawak ang PNP tungkol sa umano’y pang-espiya ng Huawei.
Sinabi naman ni PNP IT officer, Lt. Dionisio Hicban III, na ang lahat ng komunikasyon gamit ang cellphone at mga wireless devices ay dumadaan sa mga telecom companies, at May kakayahan ang mga ito na i-monitor at i-access ang lahat ng data na dumadaan sa kanilang server.
Ang Huawei ang isa sa pinakamalaking supplier sa buong mundo ng kagamitan ng mga telecom companies para sa pinaka-bagong 5-G network.
Ang paggamit ng equipment mula sa Huawei ay ipinagbawal na sa ilang bansa, katulad ng Estados Unidos, France at Czech Republic dahil sa alegasyong ginagamit umano ng Chinese government ang naturang kumpanya para maka pang espiya.
Una nang sinabi ni PNP chief na kanilang pag-aaralan ang nasabing asunto.
Sa ngayon walang kontrata na pinasok ang PNP sa Huawei.