Nilinaw ni Rey o mas kilala bilang si “PJ” Abellana na mismong ang celebrity daughter niyang si Carla Abellana ang makakapansin kung may patutunguhan ang mga ispekulasyon na miyembro umano ng “LGBTQ+” community ang asawa nitong si Tom Rodriguez.
Pahayag ito ng beteranong aktor kasunod ng kanyang rebelasyon na mayroon daw naka-one night stand o nakatalik ng isang gabi lamang ang kanyang son-in-law, na siyang dahilan kung bakit “on the rocks” ang married life, at hindi dahil sa third party o ibang karelasyon.
Ayon sa 58-year-old actor, pitong taon naging magkasintahan ang dalawa kaya ang kanyang 35-year-old daughter ang makakahusga sa mga tsismis.
Una nang umani ng batikos si PJ matapos ipagtanggol si Tom na normal lang sa mga lalaki na mayroong maka-one night stand na kanya ring naranasan noon.
“Honestly speaking, hindi po natin mako-consider na third party. Kasi po ang pangyayari one-night stand. Way back, nangyayari din po ‘yan sa akin. Medyo normal po ‘yan sa buhay ng mga lalaki kaya naiintindihan ko po ‘yan,” saad nito sa kolumnistang si Cristy Fermin.
Iginiit din nito na base sa mensahe ng kanyang anak, totoong hindi sila “in good terms” ng asawa pero pinipiling ayusin ang marital problem sa pribadong paraan.
Sa panig naman ng beauty queen na si Kelley Day, ibinunyag nito na nag-reach out sa kanyang ang nakatrabahong aktor upang linawin na labas siya sa kontrobersya nilang mag-asawa sa kabila ng pagkadawit ng pangalan.