-- Advertisements --
gary alejano
Magdalo Partlylist Rep. Gary Alejano

DAGUPAN CITY – Hindi giyera ang paraan para manindigan ang Pilipinas laban sa China sa isyu ng West Philippine Sea.

Ito ang iginiit ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan matapos na lumubog ang isang sasakyang pandagat na may lulang mga Pilipino matapos banggain ng isang barkong Tsino sa West Philippine Sea.

Paliwanag ng outgoing congressman, yaman din lamang na nais na palabasin ng administrasyong Duterte na mayroong magandang relasyon ang Pilipinas at Beijing at mayroong bilateral mechanism sa pagitan ng dalawa, maaaring idaan ng Pilipinas ang protesta nito laban sa Chineses fishing vessel na bumangga sa lumubog na fishing vessel ng mga mangingisdang Pinoy sa sa bahagi ng Recto Bank (Reed Bank) na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, at pag-iwan sa 22 Filipino crewmen nito.

Aniya, maaari namang ipaabot ang kahilingan ng bansa na mapanagot ang nasa likod nito sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Dagdag pa ni Alejano, ang magiging tugon dito ng China ay magpapakita rin ng kanilang pagiging sinsero sa pagiging “kaibigan” nila sa Pilipinas.

Una rito, kinumpirma ng Department of National Defense ang insidente na nangyari sa bahagi ng Recto Bank na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas dahilan upang lumubog ang Filipino vessel na FB Gimver 1 habang masuwerte namang nakaligtas ang 22 lulan nito.