Naniniwala si House Senior Minority Leader at Northern Samar 1st District Representative Paul Daza na malaking bagay at plus points para sa Pilipinas ang pag imbita kay Pang. Bongbong Marcos at magbigay ng talumpati sa ika 77th UN General Assembly na gaganapin sa New York City sa USA.
Ayon kay Daza, magandang balita ito para sa Pilipinas gayong di naman lahat ng Presidente sa buong mundo ang nabibigyan ng pagkakataon na maimbitahan at magbigay ng kaniyang talumpati.
Sinabi ni Cong. Daza, oportunidad na rin ito para pag usapan ang isyu sa West Phl Sea sa UN o di kaya magkaroon dialogue kasama ang US government, China at iba pang mga ASEAN counries na claimant din sa pinag aagawang teritoryo sa West Phl Sea.
Layon nito para magkaroon ng “win-win” solution para hindi masyadong maapektuhan ang Pilipinas.
Dagdag pa ni Daza kung maganda ang sitwasyon sa West Philippine Sea malaking bagay ito para gumanda din ang ekonomiya.
Inaabangan din ng lahat ang magiging laman ng talumpati ni Pang. Marcos Jr sa UN General Assembly na dapat ay nakatuon sa post economic recovery efforts ng bansa.
Ayon pa sa mambabatas, aabangan din kung ano ang gagawin ng Pangulo para makumbinsi ang mga negosyante sa Amerika na mag invest dito sa Pilipinas para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya.
” Dapat mapag usapan yung isyu sa wps magandang mangyari diyan at sana mabigyan ng pagkakataon si PBBM na magkaroon ng dialogue diyan sa UN sa New York o sa labas ng UN magkaroon ng dialogue o usapan ang American govt sa West Phil Sea ang China at iba pang players, mag usap sila para magkaroon ng “win-win” solution na di naman sobrang madamay tayo pag usapan yan ng mga big players, isang malaking isyu na dapat tutukan,” pahayag ni Rep. Daza.