-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Inaasahan ng grupong PAMALAKAYA na mababanggit ni President Ferdinand Marcos Jr. sa unang State of the Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 25, ang paninindigan sa isyu ng West Philippine Sea.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PAMALAKAYA national president Fernando Hicap, mahalagang pangisdaan ng nasa 300, 000 na mangingisdang Pilipino an nasabing lugar.

Wala aniyang matibay na sandigan ang China na manatili pa sa lugar dahil pinanalunan na ng Pilipinas ang arbitral ruling sa pinag-aagawang teritoryo.

Apela naman ni Hicap na hindi magamit ang mga pondong uutangin sa China sa pagpapatuloy ng railway at iba pang proyekto sa nakalipas na administrasyon na maging collateral sa isyu sa WPS.

Dagdag pa nito na dahil pag-aari ng Pilipinas ang naturang lokasyon, kinakailangang bigyang diin ng Pangulong Marcos ang karapatan ng bansa.