-- Advertisements --
Tuluyan ng itinawalag ng Vatican si Italian Archbishop Carlo Maria Viganò dahil sa paghahati ng mga paniniwala sa Simbahang Katolika.
Si Vigano ay dating papal ambassador ng US na di nagtagal ay naging ultra-conservative critic na ni Pope Francis.
Noong 2018 ay nanawagan ito na dapat magbitiw na sa puwesto ang Santo Papa dahil sa alegasyon na pinagtatakpan nito ang mga ginagawang pang-aabuso ng mga pari sa ilang mga trainee na pari.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang Vatican kung saan walang naipakitang anumang ebidensiya si Vigano.
Paliwanag ng Vatican bago nila itiwalag si Vigano ay dumaan muna ito sa extrajudicial penal process na hindi naman kinikilala ng obispo ang proseso.