Pumanaw na si Italian soccer great Paolo Rossi sa edad 64.
Kinumpirma ito ng kaniy ang asawang si Federica Cappelletti sa pamamagitan ng pagpost sa kaniyang Instagram ng larawan nilang mag-asawa at mayroong caption na “Per Sempre” o “Forever” sa English.
Hindi naman nito binanggit ang sanhi ng kamatayan ng asawa.
Nakilala si Rossi daihl sa siya ang nanguna para madala sa World Cup ang Italy noong 1982.
Tinaguriang greatest Italian soccer players of all time kung saan nakapagtala itong 20 goals sa 48 na laro nito.
Naging bahagi ito ng ilang koponan gaya ng Vicenza, Juventus at AC Millan.
Ginawaran siya ng Golden Ball award noong 1982 World Cup.
Nagpaabot naman ng kanilang pakikidalamhati ang Italian Football Federation at ilang mga kilalang football player sa bansa.