-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte sa harap ng mga mambabatas na ito ay magbibitiw sa puwesto.
Kasunod ito sa panawagan ni right-wing Interior Minister Matteo Salvini na nararapat lamang na magkaroon ng special elections.
Sinabi ni Conte na dahil sa krisis sa kalagitnaa ng Agosto ay posibleng magkaroon ng halalan.
Papakinggan niya ang mga debate sa senado at ito ay magtutungo sa pangulo ng republika at magbibitiw sa puwesto.
Sinabi naman ni Salvini na nais niya ang magandang pagbabago sa bansa.
Naging prime minister si Conte noong June 2018 matapos na nagkasundo ang Five-Star Movement at right-wing League.