-- Advertisements --

Personal na binisita ni Italian Prime Minister Georgia Meloni si Pope Francis sa Gemelli hospital sa Rome.

Sinabi ni Meloni na masaya ang Santo Papa ng makita siiya kung saan alertoito at responsive.

Dagdag pa nito na nakikipagbiruan pa ang 88-anyos na Santo Papa at palaging nakatawa.

Ipinagpapalangin din ito ang mabilis na paggaling ng Santo Papa kasama ang gobyerno at mamamayan ng Italy.

Magugunitang noon pang nakaraang linggo ng dinala sa pagamutan ang Argentinian Pope dahil sa bronchitis.

Matapos ang ilang pagsusuri ay lumabas na nagkaroon ito ng pneumonia sa dalawang baga nito kaya pinayuhan siya ng mga doctor ng dagdag na gamutan at pahinga.

Maraming mga mananampalataya naman ang nagtungo sa labas ng pagamutan kung saan sila ay nag-vigil, nagsindi ng kandila at nag-iwan pa ng sulat para sa Santo Papa sa agarang paggaling nito.