-- Advertisements --

Aabot sa 15.4 US toneladang iligal na droga na amphetamines ang nakumpiska ng mga kapulisan sa Italy.

Nakumpiska ang nasabing droga sa Slaerno port sa southwest Italy kung saan nadiskubre pa nila ang 84 million pills na may market value na $1.12 billion sa loob ng isang paper cylinders.

Ayon sa Guardia di Finanza financial police na posibleng ginawa ito ng mga ISIS sa Syria.

Isinawalat pa ni Commander Domencio Napolitano, ang namumuno sa financial police sa Naples city, na nakatago ang droga at hindi nila ito basta nakita.

Mayroon silang iniimbestigahan na Italian organized group na Camorra.

Na-intercept nila ang mga tawag sa telepono ng mga miyembro kaya ito ay kanilang nabatayan.

May logo ng ‘Captagon’ na itinuturin ng ‘drug of Jihad’.

Itinuturing kasi na ang ISIS/ Daesh na tumatayong financer ng mga terorista.