-- Advertisements --
Nakuha ni Lamont Marcell Jacobs ng Italy ang gold medal sa 100 meter finals sa Tokyo Olympics.
Ito ay matapos na ma-disqualify dahil sa false start si Zharnel Hughes ng Great Britain.
Natapos ni Jacobs ang laro sa loob ng 9.80 seconds.
Pumangalawa naman si Fred Kerley ng US na nakakuha ng silver medal habang bronze medal naman ang kay Andre de Grasse ng Canada.
Hindi naman nakasali sa finals sina world champions Christian Coleman at Trayvon Bromell na tinaguriang mga world’s fastest ngayong 2021.
Naka-ban kasi si Coleman matapos na tatlong beses na bigong magpa-drug test habang si Bromell ay nai-elimate sa semi-finals round.