-- Advertisements --

Patay ang Italian surfer na si Giulia Manfrini matapos na matusok ng swordfish sa Indonesia.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsu-surf ang 36-anyos na si Manfrini sa karagatan ng Mentawai Islands Regency sa West Sumatra ng mangyari ang insidente.

Sinubukan pa na bigyan ng first aid ang biktima bago ito dalhin sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay.

Isang malaking sugat umano ang natamo ng biktima sa kaniyang dibdib.