-- Advertisements --

Gumamit na ngayon ng blood plasma mula sa coronavirus survivors ang Italy para gawing antibodies ng mga bagong nadadapuan ng virus.

Sinabi ni Dr. Fausto Baldanti, na dahil sa malaking bilang ng mga nadapuan ng virus ay mayroon na silang maraming potential na donors.

Umaas kasi sila na ang nasabing blood plasma ng mga COVID-19 survivors ay makakatulong sa mga dumaranas ngayon ng sakit na nasa pagamutan.

Mula noong nakaraang ilang dekada ay gumagamit ang mga eksperto ng plasma o kahit na mga buong dugo para ng mga gumaling na pasyente bilang pangggamot sa mga nadapuan ng virus.