ROME – Nakatakdang magpatupad ng lock down ang bansang Italy sa kilalang pinakamayaman at pinaka popular na rehiyon ang Lombardy kabilang ang financial capital ang Milan.
Ito’y sa sandaling maaprubahan ang nasabing hakbang ng Italian government.
Layon nito para maiwasan na ang pagkalat pa ng deadly coronavirus.
Sa bagong rules na ipatutupad, hihimukin ang mga tao na huwag ng pumunta sa Lombardy at kung maaari ay umalis sa nasabing lugar.
Tinatayang nasa 10 million na mga katao ang naninirahan duon.
Kabilang sa ipasasara ang lahat ng mga museum, gyms, cultural centers, ski resorts at mga swimming pools partikular sa mga target areas.
Nakatakdang aprubahan ng mga mga legislators ng Italy ang nasabing panukala.
Ayon sa pinuno ng Italy civil protection agency pumalo sa 1,200 ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng deadly coronavirus sa loob lamang ng 24 oras.
Sa ngayon iilang lugar pa lamang sa northern Italy na tinaguriang “red zones” ang na quarantined.
Sa panukala, lahat ng leave ng mga healthcare workers ay kanselado.
Suspendido din ang mga weddings, funerals at mga sport events.
Ang 11 probinsiya na apektado ng COVID 19 ay ang mga sumusunod: Modena, Parma, Piacenza, Reggio Emilia at Rimini sa rehiyon ng Emilia-Romagna — Venice, Padua at Treviso sa region ng Veneto — Asti at Alessandria sa Piedmont — at ang probinsiya ng Pesaro at Urbino sa central region ng Marche.
Lahat ng mga eskwelahan at universities ay isasara sa Lombardy.
Inanunsiyo din ng Italian government na lahat ng mga eskwelahan sa buong bansa ay suspendido hanggang March 15.
Sa ngayon ang bilang ng coronavirus cases sa Italy ay umabot na sa 5883.( Reuters)