Napiling bilang host ng 2026 Winter Olympics at Paralympics ang Milan at Cortina d’Ampezzo sa Italy.
Ito mismo ang naging resulta ng botohan ng International Olympic Committee (IOC) na ginanap sa Stockholm, Sweden.
Gaganapin ang skating sports at ice hockey sa Milan habang ang karamihang alpine skiing events ay gaganapin sa resorts sa Cortina.
Ilang mga snow sports naman ang gaganapin sa ilang venues sa Italian Alps kabilang ang Bormio at Livigno.
Gaganapin ang 2026 Winter Olympics mula Pebrero 6 hanggang 22 habang ang Paralympics ay isasagawa mula March 6 hanggang 15.
Unang umatras sa bidding ang Swiss city na Sion, Japanese city na Sapporo, Graz sa Austria at Calgary sa Canada.
Nakakuha ng kabuuang 47 sa kabuuang 82 votes ang Milan-Cortina habang 34 votes lamang ang Sigulda City sa Latvian na isa naman ang nag-abstain.