-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Italian government ang kanilang lockdown hanggang Abril 12.
Ayon kay Ministry of Health Roberto Speranza , ito ang kanilang naisip para tuluyan ng hindi madagdagan ang mga nadadapuan ng coronavirus.
Napagkasunduan ito sa isinagawang Scientific Technical Committee nitong Lunes.
Sinabi naman ni Prime Minister Giuseppe Conte na hindi nila pinapaluwag ang nasabing hakbang at tinitiyak nila na hindi basta bibigay ang kanilang bansa para labanan ang nasabing sakit.