Hindi pinayagan ng Italian government na bigyan ng Oxford-AstraZeneca vaccine ang Australia.
Ang nasabing hakbang ng Italy ay aprubado ng European Union.
Dahil dito ay apektado ang 250,000 na doses na ginawa ng AstraZeneca facility sa Italy na ipapadala sana sa Australia.
Tanging ang Italy ang unang bansa sa European Union na gumamit ng nasabing kapangyarihan na pumipigil sa isang kumpanya kapag nabigo nilang tuparin ang obligasyon sa EU.
Magugunitang binanatan ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte ang pagkaantala ng AstraZeneca at Pfizer ng pagsuplay ng bakuna sa kanilang bansa kung saan malinaw aniya ito na isang paglabag sa kanilang kontrata.
Isa rin ito sa dahilan na binabatikos ang European Union dahil sa mabagal na vaccination program.
Mula pa kasi noong Hunyo 2020 ay nagkaroon na ng negosasyon ang EU sa mga kumpanya na gumagawa ng bakuna.
Paliwanag pa ng Italian government na ang Australia ay hindi “vulnerable” na bansa kaya’t hindi dapat na mabigyan ng maraming bakuna.
Nagsimula ang alitan ng EU at AstraZeneca ng hindi tinupad ng pharmaceutical company ang nasa kontrata na magbigay ng 300 milyon doses at karagdagang 100 milyon doses sa huling tatlong buwan ng 2020.
Subalit nagkaroon ng delays sa production ng bakuna dahil sa problema sa planta ng kumpanya sa Netherlands at Belgium.
Imbes na makakuha ng 100 milyon doses sa katapusan ng Marso ang EU ay magiging 40 milyon na lamang ito.
Bilang resulta nito ay inanunsiyon ng EU ang export controls na nagsimula noong Enero 30 o kilala bilang “transparency and authorisation mechanism”.