-- Advertisements --

LAOAG CITY – Umapela umano si Italy Prime Minister Giorgia Meloni sa European government na gumawa ng hakbang para maiwasang maulit ang trahedya matapos lumubog ang bangkang sinakyan ng mga migrants sa southern Italy.

Ito ang sinabi ni Bombo International News Correspondent Demetrio Bong Rafanan sa Italy.

Ayon kay Rafanan, noong nagsimula pa ang labanan sa iba’t-ibang bansa tulad ng Syria at Lebanon ay pumapasok na sa Europe ang mga migrants sa pamamagitan ng pagtawid nila sa dagat.

Sinabi nito na dahil sa magtawid ng mga ito sa dagat ay pinagsasamantalahan umano sila ng mga human traffickers.

Inihayag pa nito na halos kada taon ay may nangyayaring ganitong trahedya sa kabila ng pahayag ng pamahalaan ng Italya noon na hindi na ito mauulit.

Dagdag nito na umaasa ang mga rescuers na may matagpuan pa silang buhay sa mga biktima ng paglubog ng bangka.