Natalo ng Italy ang Japan sa 2023 Men’s Volleyball Nations League (VNL) sa mahigpit na four-setter, 29-27, 28-26, 23-25, 25-20, ngayong Sabado.
Ito ang kauna-unahang pagkakatalo ng Japan.
Sa laban ng dalawang bansa, nanguna ang Japan sa fourth-set 19-16, bago ang pag-block ni Yuri Romano ng Italy na nagpasiklab ng 6-0 run na nagbigay sa Italy ng 22-19 lead.
Gayunpaman, ang pagkakamali ni Romano ay nagbigay sa Japan ng isa pang puntos bago nakuha ng Italy ang panalo sa pamamagitan ng 3-0 run.
Nakapagtala si Romano ng 22 points sa 16 attacks, tatlong block, at tatlong ace, habang sina Daniele Lavia at Alessandro Michieletto ay may tig-18 at 14 na puntos para makaabante ang Italy sa ikalawang puwesto na may siyam na panalo at tatlong talo.
Si Yuki Ishikawa ay may 21 puntos, habang sina Yuji Nishida at Tatsunori Otsuka ay nakapagtala ng 20 at 15 puntos.
Ang Japan ay nanatili sa tuktok ng standing na may 10 panalo at isang talo.