Ilang lugar pa rin sa bansa ang makararanas ngayong araw ng mga pag-ulan epekto ng umiiral na Northeast Monsoon o Amihan at Intertropical Convergence Zone.
Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone sa Mindanao, Visayas, Palawan, Masbate, Catanduanes, Albay, at Sorsogon.
Kaugnay nito ay pinaalalahanan ng state weather bureau ang mga residente sa mga flashfloods at landslides prone areas na mag-ingat at maging mapagmatyag.
Samantala, hanging Amihan naman ang magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Norte.
Parehong weather system rin ang makakaapekto sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region.
Dito naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap hanggang sa pagkakaroon ng mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa localized thunderstorms.