-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang assessment at monitoring ng pamunuan ng Office of the Civil Defence Region-12 sa mga lugar nga naapektuhan ng malakas na buhos ng ulan sa buong Rehiyon Dose para makuha ang kabuuang mga numero ng mga naapektuhan na mga residente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Ms. Jorie Mae Balmediano, OCD-12 Information Officer, nagpapatulyo din ang kanilang pag -consolidate ng mga datos mula mga Local DRRMos sa ibat-ibang probinsiya.

Napag-alaman na sa inisyal na assessment ang probinsya ng Saranggani ang lubos na naapektuhan dahil sa naitalang mga landslide at baha dulot ng magdamagang ulan.

Umapaw din ang tubig-baha sa Buayan River kung saan pinasok ng tubig ang kabahayan ng mbga residente sa mga bayan ng Alabel at Malungon area.
Samantalang, naantala naman ng halos kalahating araw ang mga motorista na naapektuhan ng landslide sa Baluyan, Davao Del Sur at boundary ng Sarangani.

Maliban dito, ilang mga probinsiya din sa rehiyon ang unang nagsupende ng klase dahil sa malakas na ulan kabilang mga bayan ng Alabel at Malungon sa Saranggani province, General Santos City, Makilala, Matalam, Carmen at Kabacan sa North Cotabato; Lutayan at bayan ng Bagumbayan sa Sultan Kudarat at mga paaralan sa buong lalawigan ng South Cotabato.