-- Advertisements --

Patuloy pa ring makakaapekto sa ilang lugar sa Luzon at Visayas ang umiiral na ITCZ, Shear line at Amihan ngayong araw.

Dahil dito, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan , pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Visayas, Bicol Region, at MIMAROPA epekto ng shear line.

Parehong lagay rin ng panahon ang mararanasan sa Davao Region at SOCCSKSARGEN dahil sa pag-iral ng Intertropical Convergence Zone.

Makakaapekto naman ang Northeast Monsoon o Amihan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon na magdadala ng mahinang pag-ulan.

Asahan naman ngayong araw ang isolated rain showers o thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Mindanao.