-- Advertisements --

Tinanggal na ng International Tennis Federation (ITF) ang suspension ng Philippine Tennis Association.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na sumulat na mismo si ITF president David Haggerty at sinabing kanilang napagdesisyunan na tanggalin ang suspension.

Nasaad sa sulat na mahalaga ang panunumbalik ng Pilipinas sa ITF membership para lalong mapalakas ang nasabing sports sa bansa.

Magugunitang sinuspendi ng ITF ang Philta noong tatlong taon na ang nakakaraan at ito ay tinanggal matapos na makapaghalal ng bagong opisyal ang Philta sa pamumuno ni Paranaque City Mayor Eric Olivarez bilang pangulo ng grupo.