-- Advertisements --
Umapela si DILG Secretary Eduardo Año sa lahat ng sektor na tigilan na ang political bickering, pang-iintriga, at pagkakalat ng fake news.
Ito’y sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na rumesponde sa epekto ng patuloy na pag-aalburuto ng Taal Volcano.
Nanawagan si Año sa mga mamamayan na makinig lang sa impormasyon na galing lang sa mga official sources.
Wala aniyang katotohanan ang mga kumakalat na balita na ibinaba na ang alert level ngTaal matapos ang ilang araw na pananahimik ng bulkan.
Sinabi ni Año na hindi nakakatulong sa sitwasyon ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media na posibleng magdulot ng kapahamakan sa mga maniniwala.
Paaala ni Año, ang Taal ay itinuturing sa isa sa pinakamapanganib na bulkan sa buong mundo.