-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naisampa na ang kaso laban sa isang Shiela Grace Agustin ang itinurong utak sa itinuring na Police Paluwagan Movement (PPM) scam sa GenSan.

Ito ang inihayag sa Bombo Radyo General Santos ni Jeffry Mosqueda, agent investigator ng National Bureau of Investigation (NBI)-Sarangani District Office.

Ang kasong isinampa sa piskalya batay umano sa reklamo sa mahigit 200 na reklamante na dumulog sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Mosqueda, aasahan na may hiwalay pang kaso na isasampa sa susunod na linggo dahil marami pang mga nagrereklamo ang humihingi ng tulong sa NBI.

Muling nilinaw ni Mosqueda na wala pa umanong nagrereklamo laban sa tatlong PNP officials na inaakusahan na nasangkot sa PPM.

Maaalala ng nirelieved sa puwesto si Police Colonel Raul Supiter bilang Hepe ng GenSan City Police Office (GSCPO).

Habang sinibak rin silang Police Col. Manuel Lukban ng Directorial staff ng Police Regional Office Region 12 (PRO-12) at si Police Lt. Col. Henry P. Biñas.

Nabatid na ang ilan sa mga nabiktima ng PPM ay naging biktima rin umano ng Kapa-Community Ministry International, Inc. (KAPA) na kamakailan lang ay kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang registration dahil sa kaparehong modus ng PPM na isang investment scam.