-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Huli sa buy bust operation ang itinuturing na drug queen na matagal nang nago-operate dito sa Baguio City matapos mahulihang nagbebenta ng iligal na droga sa limang kabataan sa mismong bahay nito dito sa lungsod kanilang madaling araw.

Nakilala itong si Annalyn Bugarin Lee, 48-anyos, dalaga, dating OFW, tubo ng Bontoc, Mt.Province at residente dito sa Baguio City.

Sa isinagawang operasyon ng pinagsamang pwersa ng kapulisan at mga operatiba, nakumpiska mula sa suspek ang humigit kumulang 7.5 grams ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng kabuuang P51,000 mula sa awtoridad na nagsilbing pusher-buyer.

Naaktuhan ding gumagamit ng iligal na droga ang limag katutubo na kostumer umanon ng suspek.

Nakilala itong sina John Michael Abalos, 22; Jeanne Tabil; Rodel Balmores; Mark Roan Anthony Reyes, pawang edad 19 at si Sherilyn Viray, 18 taong gulang.

Nakuha mula sa kanila ang P16,000 na bust money, limang cellphone, headless lighters at iba pang drug paraphernalia.

Napag-alaman sa imbestigasyon na ipinasa kay Lee ang naturang drug dealing business mula sa nasawing kapatid nito na matagal na rin umanong nagsusuplay ng mga iligal nga droga sa mga katutubo dito sa lungsod.

Nasa kostudiya na ng Baguio City Police Office ang naarestong drug queen at ang limang kabataang kabilang sa insidente.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.