CENTRAL MINDANAO-Nakahanda na ang 2 milyong pisos na pondo para sa 133 na mga dating rebelde na tatanggap ng tig-P15, 000 na financial assistance sa probinsya ng Cotabato.
Itoy unang pangako ni Cotabato Governor Nancy Catamco.
Inihayag ni Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) Head Jocelyn Maceda sa isinagawang committee meeting ng E-CLIP o Enhanced Comprehension Local Integration Program.
Sa ilalim ng E-CLIP program, ang isang rebel returnee na sinipertikahan ng JAPIC o Joint AFP PNP Intelligence Committee ay tatanggap ng assistance mula sa national government na kinabibilangan ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P50,000, immediate financial assistance na P15, 000 at firearm renumeration na naka depende sa dami at kalidad ng baril na isinuko sa pamahalaan.
Ang committee meeting ay pinangunahan nina 1002nd DBC Col. Ted Dumosmog,INF, PA
Cotabato Provincial Police Director PCol. Henry Villar, DILG Provincial Director Ali Abdullah at iba pang mga line agencies na kabilang sa E-CLIP committee.