-- Advertisements --

Hindi umano uubra kay Mariam Sayed Sameer Marbella Al Alawi, o mas kilala bilang si Ivana Alawi, ang mga lalaki na pagiging mayaman lang ang maipagmamalaki.

Pahayag ito ng 23-year-old sexy actress matapos na maalala muli ang karanasan mula sa kanyang mapera pero mayabang daw na admirer kung saan niyaya siyang mag-date sa Japan sakay ng private jet.

Pero para sa half Moroccan actress, huwag siyang itulad sa mga babaeng nasisilaw ng pera dahil katunayan ay ang pagiging seryoso sa panliligaw ang kanyang basehan.

Gusto raw niya ay ‘yaong magkaibigan din sila at madadalhan ng mga pagkain gaya ng bulalo at kwekwek na bukal sa kalooban.

Nitong Mayo lang nang pabulaanan ni Ivana ang usap-usapang mayroon siyang kumakalat na video scandal.

Kahit kilala aniya siya sa pagkakaroon ng “wild and liberated” image ay hindi sumagi sa isip niya na gumawa ng malaswang video.

Minsan ding kumalat ang online post na nagsasabing nag-aalok daw si Ivana ng hanggang P4.7 million escort services, bagay na kanyang mariing pinabulaanan.