-- Advertisements --

Ibinahagi ng actress at social media star na si Ivana Alawi kung bakit hindi ito interesadong pumasok sa pulitika.

Inamin nito na wala siyang alam sa pulitika ganun din sa paggawa ng mga batas.

Kailangan niya ng mag-aral ng hanggang tatlong taon dahil ayaw niyang ilagay sa panganib ang bansa.

Giit nito na hindi na kailangan pang maging alkalde o congressman para makatulong sa ibang tao.

Paglilinaw nito na hindi nito kinokontra ang mga nais na pumasok sa pulitika dahil sa sariling desisyon nila ang mga ito.

Magugunitang maraming mga showbiz at social medial personalities ang naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa 2025 election.