-- Advertisements --

Labis ang pasalamat ngayon ng actress na si Ivana Alawi ang paggaling niya sa dinaanan niyang sakit.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang pananatili niya sa pagamutan ng ilang araw dahil sa pananakit ng tiyan.

Napilitan na lamang itong magpa-ospital matapos na makaranas ng hirap sa paghinga.

Dagdag pa nito na mayroon siyang problema sa ovaries at mayroon din itong polycystic ovary syndrome o (PCOS) na doon ito nagsimula.

Labis na itong nag-alala dahil sa paglaki ng tiyan niya dahil sa nakitang fluid doon kaya nagdesisyon siyang ipatanggal ito.

Patuloy itong nagpapagaling at pinasalamatan niya ang mga nag-alaga sa kaniya.

Itinuturing ng actress na isang pangalawang buhay na niya ito dahil sa hindi biro ang kaniyang naranasan.