-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng sexy actress Ivana Alawi ang pagkakaroon na niya ng 8 million subscriber sa kaniyang YouTube channel.

Sa kaniyang Twitter account inanunsiyo nito ang nasabing balita.

Pinasalamatan nito ang kaniyang mga fans dahil sa walang tigil nilang pagtangkilik sa mga content ng kaniyang YouTube channel.

Magugunitang isa ang sexy actress sa may pinakamaraming followers sa social media dahil sa kagandahan nito.