-- Advertisements --

Ibinunyag ni sexy actress Ivana Alawi na ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Bukod sa kaniya ay kasamang nagpositibo rin ang inang si Fatima at kapatid na si Hash kahit na mahigpit nilang sinusunod ang ipinapatupad na minimum health protocols.

Sa kaniyang YouTube Channel, makikita ang paghihina ng kaniyang pangangatawan.

Ibinahagi nito kung gaano siya kaingat gay ng pagsasailalim ng RT-PCR test ng tatlong beses sa isang araw tuwing mayroong shooting ng teleserye.

Unang nagpositibo ang ina nito sa kanilang pamilya kung saan nakaranas siya ng hirap sa paghinga at matapos ang ilang araw ay sumunod ang kaniyang kapatid na lalaki na nakaranas ng pananakit sa katawan at hirap din sa paghinga.

Pinayuhan nito ang mga followers sa social media na ugaliing sundin ang ipinapatupad na minimum health protocols gaya ng pagsusuot lagi ng face mask at paghuhugas ng kamay.