-- Advertisements --

Nanguna ang actress-vlogger Ivana Alawi sa top YouTube content creator sa bansa ngayong 2021.

Ayon sa Google Philippines mayroong 14.4 milyon subscriber ito sa nasabing video-sharing platform mula noong sumali siya sa taong 2018.

Nasa pang-siyam na puwesto naman ang kapatid nito na si Hash Alawi.

Ito na ang pangalawang sunod na taon na nanguna ang actress.

Sumikat ang actress sa pamimigay ng tulong sa kaniyang mga followers.

Ilan sa mga top YouTubers ngayong taon ay sina Zeinab Harake, Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Vice Ganda, Skusta Clee, Mika Salamanca at Cong TV.