Nakahanda umanong lumaban si Ivana Alawi kasabay ng paghahamon sa kanyang mga kritiko na siya ay sampahan ng kaso.
Ito’y matapos akusahan ang 24-year-old Filipino-Moroccan sexy actress na nilabag daw ang Anti-Mendicancy Law of 1978 sa gitna ng pagtulong sa mga pulubi.
Nakasaad sa nasabing batas na ang taong nagbibigay ng limos ay dapat panagutin, habang ang mga nanlilimos naman ay pagmumultahin o ikukulong.
Layunin ng batas na maiwasan ang exploitation o pag-abuso sa mga menor de edad na kadalasan ay silang inuutusang manlimos.
Ugat ng kontrobersya ay ang kanyang March 14 YouTube video blog kung saan namahagi siya ng cash sa mga taong unang nagbigay sa kanya ng limos nang magpanggap bilang palaboy.
“Kung may nalabag akong batas, ‘di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yon. Lalaban ako. Ang intention ko was to just help out and to inspire people. Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao, and masaya ako sa video. I would do it again,” giit ni Alawi.
Sa ngayon ay mayroon nang 12 million followers sa YouTube si Ivana.