Muling ginulat ni Ivana Alawi ang publiko kahit ‘yaong fans niya matapos na halos wala pa rin itong bagong online post na kanyang tatak na sexy image.
Sa mga nakalipas na post nito, tila wholesome ang kanyang peg kung saan wala ang nakagawiang labas ang kanyang mga asset partikular ang dibdib.
Lumalabas naman na pinagkaabalahan ng 24-year-old actress bago ang Pebrero o “love month,” ay ang pamimigay ng sorpresa sa ilang delivery riders.
Ayon sa actress/video blogger (vlog), napili nitong regaluhan ng quality helmet at P10,000 cash ang nasa walong food delivery rider upang mapasaya kahit minsan ay nabibiktima ng scam.
Paliwanag ni Alawi, isa siya sa mga nabuhay sa pamamagitan ng pagpapa-deliver na lamang lalo na noong panahon pa ng enhanced community quarantine.
“Maraming way na maglokohan kayo pero huwag mong pagtripan ang isang tao na nagtatrabaho ng marangal. Kaya ako, I’ll try to help in my own small way,” saad nito sa kanyang vlog.
Nabatid na nag-order si Ivana sa ilang food delivery service gamit ang ibang pangalan at doon mismo sa kanyang bahay ibinigay ang token of appreciation na helmet at cash.
Siya ay nakasuot ng shorts, maluwag na T-shirt at siyempre mayroong face mask at face shield.
Game rin niyang pinagbigyan ang mga “kuya delivery” na humirit ng selfie.
Samantala, aminado si Ivana na kumikita nga siya sa kanyang YouTube channel pero kanya rin naman itong ibinabahagi sa publiko sa paraang alam niya.
“I will always keep giving back to you because kayo ang nagbigay kung ano man ang meron ako ngayon dito sa YouTube. And this is my small way of saying thank you,” saad nito.
Noong Disyemre ay ipinagdiwang ni Alawi ang pagkahakot ng 10 million subscriber sa pamamagitan ng pamamahgi ng Christmas gifts sa mga piling kapus-palad sa lansangan.
Dito ay nakasuot siya ng leggings at T-shirt nang personal na iabot ang basket na naglalaman ng iba’t ibang klase ng pagkain na customized o siya mismo ang pumili.
Una nang inamin ng Filipino-Moroccan actress na kilala talaga siya bilang hubadera o pagkakaroon ng “wild and liberated” image ngunit walang anomang malaswang video at hindi nagbibigay ng escort services.