-- Advertisements --

Ibinunyag ng sexy actress na si Ivana Alawi na ibibili niya ng bahay ang kaniyang ina na si Fatima Marbella.

Sinabi ng sexy actress, manggagaling perang pambili niya sa kita niya sa mga video mula sa YouTube.

Mayroong mahigit anim na milyon subscribers ang sexy actress at bawat buwan ay may mga kinikita ito tuwing mag-upload ng mga videos.

Sinabi nito na mula ng maging YouTube sensation ay hindi pa niya nagagastos ang perang kinikita nito.

Naghiwalay kasi ang mga magulang nito kung saan nanirahan ito sa kaniyang ama na isang Moroccan national sa Bahrain.

Lumipat lamang ito sa Pilipinas ng ito ay magdalaga.