-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ni Christopher Seraspi ng Nueva Viscaya provincial veterinary office na hindi African swine fever (ASF) ang ikinamatay ng mga baboy sa kanilang lugar.
Lumalabas na nagkaproblema sa panganganak ang inahing baboy, kaya namatay pati ang mga biik nito.
Pero nang may makakuha ng larawan at kumalat sa internet, nag-iba na ang kwento at nagdulot ng takot sa maraming residente, lalo na sa mga hog raisers.
Panawagan ni Seraspi, iwasang magpakalat ng ASF scare dahil hindi ito nakakatulong at sa halip ay nagdudulot pa ng mas matinding problema.