Pinayuhan ng ilang eksperto ang publiko na iwasan ang abbreviations ng taong 2020 sa official documents.
Maaari daw kasi itong gamitin ng iba para sa sirain ang value ng papeles o kahit ng mga iniisyung tseke.
Ayon kay Dusty Rhodes, auditor sa Hamilton County, Ohio, ang simpleng 1/1/20 ay maaaring gawing 1/1/2017, at sa isang iglap ay wala nang bisa ang hawak ninyong dokumento.
Maging ang New York Police Department (NYPD) 120th Precinct ay nagsabi rin na lantad sa pandaraya ang paggamit lamang ng abbreviations sa taon.
“Crime Prevention tip of the day, Never Abbreviate 2020 when signing documents! For example 1/5/20 could be altered to 1/5/2018. Abbreviating the year can lead to fraud, Prevent yourself from becoming a Victim,” saad ng abiso mula sa NYPD 120th Precinct.