Bumuhos ang mga pagbati para kay Iya Villania mula sa fans at kapwa artista kasunod ng pagkumpirma na siya ay buntis sa ika-apat na pagkakataon.
Sa kinatatampukang talk show, inanunsyo ng 35-year-old TV host na magiging ate na ang third baby nito at unang babaeng anak sa asawang si Drew Arellano.
Sa ngayon ay limang taong gulang na ang panganay ni Iya na si Primo, habang ang second baby ay tatlong taong gulang, at isang taong gulang pa lamang ang kasalukuyang bunso.
Sa Hunyo aniya ngayong taon niya nakatakdang isilang ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya.
“I’ve been really lucky to have it easy again. At least, nakakapag-work ako. So yes, we are expecting. Parating na siya. Coming soon in June!” wika ni Iya o Raelene Elaine sa tunay na buhay.
Kung maaalala, kilala si Iya sa pag-eehersisyo pa rin sa kasagsagan ng pagbubuntis.