Kaagad nagpaabot ng pagbati si Iza Calzado para sa baguhang aktres na si Charlie Dizon matapos tinanghal bilang best actress sa 46th Metro Manila Film Festival.
Maliban kay Calzado na pambato ng drama entry na “Tagpuan,” natalo rin ng 24-year-old newbie actress ang mga beteranang sina Sylvia Sanchez at Nora Aunor.
Ayon sa 38-year-old actress, masaya siyang makita ang mas pagkinang pa ni Dizon dahil ito talaga ang nais niyang magwagi.
Nabatid na special mention ni Charlie si Iza sa kanyang acceptance speech na siyang naging tuluya aniya para makilala si Direk Tonette Jadaone at naitampok nga sa “Fan Girl” movie.
Ang “Fan Girl” na isang coming-of-age movie ang siyang big winner sa idinaos na virtual Gabi ng Parangal matapos ma-sweep ang walo mula sa kanilang siyam na nominasyon.
Kabilang dito ang five major categories na best screenplay, best picture, best director para kay Jadaone, best actress, at best actor kay Paulo Avelino.
Mayroon ding touch of drama ang “Fan Girl” na patungkol sa isang obsessed teenage fan na ginagampanan ni Dizon na na-stuck ng isang gabi sa loob ng mansyon kasama ang kanyang celebrity idol sa katauhan naman ni Avelino.
Una itong ipinalabas sa Tokyo International Film Festival bago makapasok sa “10 magic” entries ng MMFF.
Samantala, ang 2nd best picture ay ang “The Boy Foretold By The Stars” na siya ring ginawaran ng Gender Sensitivity Award; habang 3rd best picture ang drama theme rin na “Tagpuan.”
Kabilang pa sa mga nagwagi ay si Shaina Magdayao bilang best supporting actress, best supporting actor si Michael de Mesa, best virtual float ang fantasy adventure film na “Magikland,” at ang best child performer ay mula sa horror thriller na “The Missing.”
Wala namang nakuha ang “Mang Kepweng” ni Vhong Navarro mula sa dalawang kategorya na nominado ito, gayundin ang isa pang comedy na “Pakboys: Takusa” na sa nominations pa lang ay bokya na.
Narito ang kompletong listahan ng MMFF winners:
Best Actress: Charlie Dizon (Fan Girl)
Best Actor: Paulo Avelino (Fan Girl)
Best Picture: Fan Girl
2nd Best Picture: The Boy Foretold By The Stars
3rd Best Picture: Tagpuan
Best Director: Antoinette Jadaone (Fan Girl)
Best Supporting Actress: Shaina Magdayao (Tagpuan)
Best Supporting Actor: Michael de Mesa (Isa Pang Bahaghari)
Best Screenplay: Fan Girl (Antoinette Jadaone)
Best Child Performer: Seiyo Masunaga (The Missing)
Best Cinematography: Fan Girl (Neil Daza)
Best Editing: Fan Girl (Benjamin Tolentino)
Best Production Design: Magikland (Erikson Navarro)
Best Visual Effects: Magikland (Richard Francia, Ryan Grimarez of Central Digital Lab)
Best Original Theme Song: The Boy Foretold by the Stars (“Ulan” by Jhay Cura/Pau Protacio)
Best Musical Score: Magikland (Emerzon Texon)
Best Sound: Fan Girl (Vincent Villa)
Best Student Film: Paano Maging Babae (De La Salle College of St. Benilde)
Best Virtual Float: Magikland (1st place), Isa Pang Bahaghari (2nd place), Fan Girl (3rd pla
Nanguna sina Marco Gumabao at beauty queen turned actress Kylie Versoza bilang host ng virtual Gabi ng Parangal ng 46th MMFF.
Noong nakaraang taon, big winner ang war drama entry na “Mindanao” na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon matapos humakot ng 11 parangal.