-- Advertisements --

Ibinahagi ng beteranang aktres na si Iza Calzado na nagpaplano na raw sila ng kanyang asawa tungkol sa pagkakaroon ng anak sa hinaharap.

Ayon kay Calzado, na kasal sa negosyanteng si Ben Wintle, binabalak na raw nitong magkaanak sa oras na matapos na ang ilan s akanyang mga commitments at projects sa showbiz.

Napagkasunduan aniya nila na magkaroon ng tatlong supling, sa pamamagitan ng panganganak sa natural na paraan, assisted reproductive technology o pag-aampon.

Nagpapasalamat naman ang 37-year-old actress sa pagiging supportive ng kanyang kabiyak, na bukas din na magkaroon ng foster children.