-- Advertisements --

Pormal ng inanunsiyo nina Jennifer Lopez at Alex Rodriguez ang kanilang paghihiwalay.

Ayon sa inilabas na pahayag ng dalawa na tinatapos na nila ang kanilang dalawang taon na engagement.

Mananatili aniya silang magkaibigan at patuloy ang pag-suporta nila sa kanilang negosyo at proyekto.

Pinasalamatan ng dalawa ang mga fans na nagbigay ng kanilang suporta sa naging desisyon nila.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay lumutan na ang balita na hiwalay na ang dalawa subalit kanila itong pinabulaanan.

Taong 2017 ng inamin ng dalawa ang relasyon nila at matapos ang dalawang taon ay inalok ng kasal ng dating baseball player ang singer.