-- Advertisements --

Hindi na ikinaila ng singer na si Jennifer Lopez ang muling pakikipagmabutihan niya sa dating asawa na si Ben Affleck.

Sa kaniyang Instagram, nagpost ito ng mga larawan ng kaniyang 52 birhtday.

Makikita ang isang lalaki na kaniyang kahalikan na si Affleck.

Makikita rin sa mga video ng kaniyang kaarawan na kasama ang actor sa ilang mga bumati bukod pa sa mga kaibigan nito.

Ang dalawa na unang nagkarelasyon noong 19 taon na ang nakakaraan ay nakita sa publiko na magkasama noong nakaraang buwan matapos ang pakikipaghiwalay ng singer-actress sa baseball player na si Alex Rodriguez.

Ikinasal ang dalawa noong 2004 at naghiwalay din matapos ang isang taon.

Matapos ang relasyon ay ikinasal ang actor sa actress na si Jennifer Garner kung saan mayroon silang tatlong anak bago naghiwalay noong 2017.