-- Advertisements --

Balak ngayon ng singer na si Jennifer Lopez at nobyong si Alex Rodriguez na bilihin ang baseball team na New York Mets.

Sinasabing naghahanap pa ang dalawa ng ibang mga investors para maging bahagi sa pagbili ng nasabing koponan.

Hindi bababa aniya sa $50 million ang dapat na maging investment ng mga interesadong investors.

Sinasabing aabot naman sa $2.4 billion ang halaga ng nasabing koponan.

Magugunitang naging manlalaro si Rodriguez sa matinding karibal ng koponan na New York Yankees.