-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Memphis Grizzlies ang Brooklyn Nets, 118-104.

Nanguna sa opensa ng Grizzlies si Ja Morant na tumipon ng 36 points, habang lima pang mga players ang nagpakita rin ng double figures.

Ito na ang ikalimang sunod na panalo ng Memphis (24-14).

Sa panig ng Nets (23-12) nanguna naman si Kevin Durant na may 26 points pero medyo inalat dahil walo lamang ang naipasok sa 24 na pagtatangka.

Maging sa three point area ay dalawa lamang ang kanyang na-shoot mula sa walo.

Si James Harden ay meron namang 19 points pero minalas din na may 5-for-14 shooting kung saan nalasap ng Brooklyn ang ikatlong sunod na talo.

Umabot pa ang kalamangan ng Memphis sa 25 points sa third quarter sa pangunguna sa pag-atake nila sa paint lalo na ang mga acrobatic drives ni Morant.

Bago ang laro inanunsiyo ng NBA na si Morant ang player of the week sa Western Conference.