Pinahiya ng Memphis Grizzlies ang Golden State Warriors sa mismong kanilang homecourt sa San Francisco upang ipalasap ang unang talo sa limang games ngayong bagong season ng NBA, 104-101.
Dinala ni Ja Morant gamit ang 30 big points ang Grizzlies sa kanilang ikatlong panalo (3-2) at sa pagkakataong ito ay kinailangan nila ang overtime game.
Ang Warriors leader na si Stephen Curry ay nasayang ang 36 points pero inalat ito sa fourth quarter.
Nagmistulang rematch ang nangyari sa dalawang magkaribal na team noong nakaraang season sa play-in kung saan tinalo rin ng Memphis ang Warriors.
Sa pagkakataong ito, muling namalas ng mga fans ang makapigil hininga na thrilling game dahil sa walang humpay na pagbuhos ng puntos ng magkabilang panig na naging dahilan sa palitan nang kalamangan.
Sa huli minalas pa ang Golden State dahil sinamantala ng Grizzlies ang kanilang 22 turnovers.